Im the only fantasy

Im the only fantasy

      Alam niyo ba …..

      halos lahat ng importanteng tao o taong minahal at mahal ko eh ginawan ko ng kanta .. YES !! nag ko.compose po ako ng song :) pero alam niyo sa bawat kanta na ginagawa ko eh , hindi sya natatapos :((kung ibabase ko sa mga bawat kanta na ginawa ko , siguro kase kaya hindi sya lage natatapos kase hindi sila yung taong kukumpleto sa kanta ko .. puro lahat kase hanggang umpisa lang , sa umpisa lang naman kase talaga masaya eh , pero walang nag tatagal (base to sa experience ko ah) , walang natatapos na kanta .. parang sa relasyon , nag hihiwalay ang mga tao dahil sa misunderstanding, yung tila para bang unfinished business , hinahayaan na ganun na lang matapos, parang yung mga kantang sinulat ko , hinayaan na ganun na lang , di na tinapos , kase nasaktan na , na hanggang dun na lang siguro talaga .. 

      siguro kase kaya di ko pa natatapos ang mga kanta ko kase hindi ko pa nakikita yung tamang tao na tatapos sa mga kanta ko .. yung tao na sasamahan ka hanggang dulo .. yung tao na kahit saktan ka eh , marunong bumawi at mananatili sa tabi mo .. kase sa buhay naman eh hindi naten maiiwasan na masaktan tayo ng mga mahal naten na kahit minsan eh di sinasadya , minsan naman eh sadyang nagkakamali lang talaga .. hayun lamang :)) 




      Sinong shenglot !?

      grabe di ko kinaya kagabi .. nag one on one kame ng bestfriend ko sa bella :) sinu nakakaalam dun !? ahahaha .. nakakahiya , halos hindi ko na matandaan pinag gagawa ko kagabi .. basta ang alam ko DISASTER !! kawawa naman yung nag alaga at umalalay saken kagabi .. shenglot na shenglot ako !! wapak !! deretso kame sa starbucks at nag kape , waley di ko na inom , sayang , nag suka lang ako sa CR nila dun !! inalalayan pa ko ng crew na babae dun , at eto pa , sinamahan nya pa ko sa CR tas yung ibang nangyare di ko na alam .. waaaaaah .. BENGGA din :) last na naman na yun eh , kase sa pasukan BAGO.BAGO din :) ooh yeah baby :)

      uso din naman mag party eh da ba !? pero feel ko inis na inis saken yung besprend ko .. ahahaha .. wawa naman sya , shenglot din sya tas ganun .. ahahaha .. 




      Done watching …

      wrong turn 3 : left for dead 

      ahahaha .. ganda lang , ngayon ko lang napanuod sa star movies .. kasama ko yung isang friend ko via skype nga lang , nakinuod kase wala silang star movies sa cable nila , oh di ba parang kasama ko na din sya !? ahahahaha .. wala kase ako kasama manuod eh .. ayan at pinag tsagaan namen , nilapit ko yung laptop sa tv para makanuod sya ng maayos .. ahahaha .. muntanga lang kame :) masaya kase manuod kapag may kasama eh :) 





      Meet my sister ,  REGINA MAE NUARIN :) bestfriend ko sa bago kong school .. madame nag sasabi na BI sya , madami rin na tao (bestfriends ko , kapatid ko , and lola ko) na ayaw sa kanya kase nga daw napapasama ako .. well , hayaan ninyong ipakilala ko sya sa inyo ng hindi tulad ng pagkakakilala nila .. si regz ay isang singer , matalino , masaya kasama , tutulungan ka sa kahit anung problema , kasangga mo sa lahat , sweet , mabait , tahimik , prangka , mahilig gumimik , malihim na bata (sa mama nya at lolo’t lola nya kase hindi para sa kanya hindi naman sya maiintindihan nito pwera sa ate nya at sa tropa).hindi matatapos ang isang buong araw ng wala kameng pasa sa katawan. 

      well , kaya ko to na kwento kase nung nalaman nya na ayaw sa kanya ng mga taong nakapaligid saken eh , lumayo na sya .. nakakalungkot lang , kase nakasanayan ko na kasama ko sya sa araw.araw , may pasok man o wala .. sobrang nakaka miss kase bigla na lang mawawala ang isang taong nakasanayan mo na kasama mo sa lahat ng bagay .. 

      ang sakin lang eh bakit pa kailangan mandamay ng ibang tao sa mga bagay na ikaw mismo at ginusto mong gawin .. bakit may BI factor pa !? na sa sayo naman yun kung ano at sino ang magiging ikaw sa buhay mo , ikaw lang naman kase ang magmamaneho sa pagtahak mo sa buhay mo eh .. KUNG SINO AT ANO AKO NGAYON EH GINUSTO AT PINILI KO PO YUN .. no need na mandamay ng iba ..







      Happy Halloween :)




      Kaganapan kahapon

      eto lang ang makwen.kwento ko kase wala naman nangyare ngayon .. sabi ni besprend hindi na daw kase ako active kaya andame nag unfollow :(( kakalungkot dame nag unfollow .. 

      well eto ang istorya nang karumal dumal na sinapit ko kahapon .. dahil click ngayon si falcon , about sa kanya lang ang ikwe.kwento ko .. hehe .. 6 pm na kame dinis.miss .. pagkababa namen , mistulang naging swimming pool na sa grounds .. nung una , tuwang tuwa ako kase ewan , natutuwa lang ako .. hanu berr !? walang basagan ng trip :p so ayun na nga , excited nga ako kase gusto ko ma EXPI ang lumusong sa baha at magpakabsa sa ulan .. apat kame na lumusong kagad para makauwi nang medyo maaaga .. sa sobrang saya ko eh , NAHULOG AKO SA KANAL .. hindi ko napansin kase hanggang tuhod na yung baha tapos ang lamig pa .. kaya ayun napalangoy ako ng wala sa oras .. buti na lang inahon ako nung friend ko .. ako unang sumakay .. feeling ko nga ako unang makakauwi eh .. sobrang traffic pala .. sa harap ako umupo , naging friend si manong driver at si kuya na nakatabi for 3 hours mahigit .. ayun bago ako umuwe eh , nilibre ako ni kuyang cute sa jollibee .. 




      Six months sa Japan

      nagulat ako at six months daw kame sa Japan at dun daw kame mag du.duty .. pero kapag 3rd year na ko nun , syempre 2nd year palang naman ako , mahaba.habang pag aaral pa yun .. pero syempre , nakakagulat .. mawawala ako ng kalahating taon .. naiisip ko tuloy , madami akong ma.mimiss .. at saka first time ko makapunta ng ibang bansa nun .. sabe kase nila , para pag nakapasa na kme ng board exam eh sure ball na may trabaho na kame dun .. eh since na mahirap makahanap ng trabaho ngayon ang mga nurse eh , ok na din :) pero parang hindi ko kaya , hindi ko ma.imagine .. pag aaralan na nga namen yung salita ngayong June .. bahala na ..




      Heart to heart talk with my lola <3

      antaray ng lola ko nu !? hehe .. nakakatuwa lang kase sa lahat ng love story ko nakasubaybay sya .. yung tipong sa lahat sinusuportahan niya ko .. more like a bestfriend ko na yun kaya grabe closeness namen .. aaminin ko , Lola’s girl talaga ako .. simula kase nung 3 years old ako yan na katambal ko yan sa lahat .. yung tipong partner in crime .. sa kalokohan matindi yan , mana lang ako sa kanya eh .. hehe .. yung naging bf ko last time , kapag may problema kame sya yung taga ayos ng away namen , yung pinagbabati nya talaga kame .. tapos bukas kase pupunta yung boyprend ko sa bahay , ayun nakakatuwa kase nag re.ready talaga sya .. ang kulit nga eh , nag tina pa .. ang landi lang eh !! bwahahaha XD nakakatuwa kase gusto nya yung mga magiging kabiyak ng puso ko eh ka.close nya .. ayun kaya todo ayus kame sa bahay ngayon .. iluluto nya pa yung specialty nya bukas .. wooooh .. excited na ko sa pagkain bukas .. 




      Sa buhay …….

      hindi maiiwasan ang may umaalis at mga nang iiwan .. pero minsan ang mga umaalis at mga nang iiwan ay natututunan ding bumalik yun nga lang eh nasa sa iyo na yun kung hanggang kailan ka mag hihintay..

      so hanggang kailan ba ako maghihintay ?? CHAROT !! hehe .. alam ko naman na impossible na mangyari yun .. ginaya ko lang yan sa napanuod ko kagabi sa cinema one yung GIGIL !! bwahahaha XD ang anu lang kase nung tittle kaya ko pinanuod , na intriga ako .. kaya yun :p 




      Nakaka miss ang maging bata

      parang na miss ko maging bata .. yung tipong hakuna matata :) puro laro , puro saya ang nasa isipan .. yung ang problema mo lang eh kung ano ang kakainin mo , kung ano ang lalaruin mo , at ang pagtulog :) noong bata kase ako ang pinaka ayoko sa lahat ay ang pagtulog sa tanghali .. hehe .. kaya siguro hindi ako matangkad :p  




     1/12  Next »